1. Trip ko ang tumambay sa bubong ng bahay namin.
2. Kapag nag-aaral ako, gusto ko may music.
3. Hindi ako mahilig mamansin, magaling ako mang-dedma.
4. Waley lang sa akin ang madalas na pagbagsak ng phone ko kaya di na ako magugulat kung one day dedbols na siya.
5. Mahilig akong mangolekta ng mga empty cases ng ballpens ko. :)
6. Hindi ako nakakatulog kapag hindi ako nagkukumot (kahit na pinagpapawisan na ako).
7. Hobby kong gawing bangkang papel at eroplano ang mga flyers/handouts ko sa school.
8. Hindi ako makapag-aral kapag ang kalat ng mga gamit ko.
9. Madalas kapag uwian, naglalakad ako hanggang crossing ng elbi kasi nabo-bored ako eh.
10. Pinakaayako sa lahat ay 'yong pinipisa o hinahawakan ang ilong ko. >.<
11. Hindi ako kumakain ng balut, atay ng baboy at isaw.
12. Hindi ako mahilig magsuklay ng buhok.
13. Masipag ako mag-notes, (pag nasa mood ako)
14. Hindi pwedeng hindi ko ma-absenant ang mga klase ko kada semester (kaya bumabagsak eh).
15. Mababaw lang ang kaligayahan ko, peborit kong commercial yung sa sparkle (at higit sa lahat, bata pa ako kaninaaaaaaaaaaaaaaa!) HAHAHA
16. Ang normal na pagtulog ko ay alas-dose ng hatinggabi.
17. Kapag may nagte-text sa akin, madalas hindi ako nagrereply, lalo na sa mga GM's (group messages).
18. Talking about crushes, crush ko ang isang tao kapag hindi ko siya pinapansin. :)
19. Mahilig akong bumanat -- korny banats. at ang huli kong binanatan ng tunay ay yung crush ko. hahah. *malanding bata*
20. At kapag may crush ko, cyberstalk muna. HAHAH.
Saturday, October 22, 2011
Ako ay si...
Jamsie Joy Perez. Estudyante. Nag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas Los Baños. Panganay na anak ng aking mga magulang, (oo parents ko at hindi sayo. :P) May dalawa akong kapatid, si "ipin" at si "upin" hahahah! joke leng. Dalawa nga sabi yung kapatid ko, si Azeel at si Ayn Lee, tapos may ate sila, at AKO yun. Nakatira ako sa Los Baños, Laguna -- ang aking lupang sinilangan, tahanan ng aking lahi, kinukupkop ako.... oooppss. Ang kursong aking kinukuha sa kasalukuyan sa UPLB ay Komunikasyong Pangkaunlaran. Hindi mo alam kung ano yun? Punta ka nalang ng UPLB para malaman mo. Sa may tapat ng carabao park, right side kapag kaharap mo si pareng tamaraw. HAHA.
Mga kinahihiligan? Uh. Mahilig ako matulog, tapos manood ng TV, tapos kumain, tapos matulog ulit, tapos kumain, tapos manood ng TV, ay, paulit-ulit. Hehehe. Pag sinabi kong mahilig ako mag-aral, pustahan may magre-react, para lang kasing nuclear reaction yan, chuchuchu. hahah. Anyway, i love to think random thoughts. Wala lang, gusto ko lang mag-isip pag wala akong magawa. Isip dito, isip doon, hanggang sa lumipad na ang aking isipan at makatulog. Zzzzzzzz.
Hobby ko ang pagtripan ang mga flyers na binibigay sa akin kapag nasa daan ako. Lagi kong tinutupi ang mga iyon at ginagawang bangkang papel. At ngayon. proud ako na hindi na bangkang papel at eroplano ang kaya kong gawin, marunong na rin ako gumawa ng butterfly at stars. hahah. *ang babaw*.
Nagsisimula pa lang ako sa pangalawang blog na ito dito sa blogspot. May nauna na kasi akong nagawa, for academic purposes, but this time, for personal use nalang ito. :))
WELCOME TO MY BLOG! :)))

Subscribe to:
Posts (Atom)