Saturday, October 22, 2011

Ako ay si...

Jamsie Joy Perez. Estudyante. Nag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas Los Baños. Panganay na anak ng aking mga magulang, (oo  parents ko at hindi sayo. :P) May dalawa akong kapatid, si "ipin" at si "upin" hahahah! joke leng. Dalawa nga sabi yung kapatid ko, si Azeel at si Ayn Lee, tapos may ate sila, at AKO yun. Nakatira ako sa Los Baños, Laguna -- ang aking lupang sinilangan, tahanan ng aking lahi, kinukupkop ako.... oooppss. Ang kursong aking kinukuha sa kasalukuyan sa UPLB ay Komunikasyong Pangkaunlaran. Hindi mo alam kung ano yun? Punta ka nalang ng UPLB para malaman mo. Sa may tapat ng carabao park, right side kapag kaharap mo si pareng tamaraw. HAHA.

Mga kinahihiligan? Uh. Mahilig ako matulog, tapos manood ng TV, tapos kumain, tapos matulog ulit, tapos kumain, tapos manood ng TV, ay, paulit-ulit. Hehehe. Pag sinabi kong mahilig ako mag-aral, pustahan may magre-react, para lang kasing nuclear reaction yan, chuchuchu. hahah. Anyway, i love to think random thoughts. Wala lang, gusto ko lang mag-isip pag wala akong magawa. Isip dito, isip doon, hanggang sa lumipad na ang aking isipan at makatulog. Zzzzzzzz.

Hobby ko ang pagtripan ang mga flyers na binibigay sa akin kapag nasa daan ako. Lagi kong tinutupi ang mga iyon at ginagawang bangkang papel. At ngayon. proud ako na hindi na bangkang papel at eroplano ang kaya kong gawin, marunong na rin ako gumawa ng butterfly at stars. hahah. *ang babaw*.

Nagsisimula pa lang ako sa pangalawang blog na ito dito sa blogspot. May nauna na kasi akong nagawa, for academic purposes, but this time, for personal use nalang ito. :))

WELCOME TO MY BLOG! :)))

No comments:

Post a Comment